Mapapanood sa GMA Network ang isang drama series ng Thailand o Thai-novela na kauna-unahang ipalalabas sa Philippine television at magpapakilig sa mga Pinoy.

Ang pagpapalabas ng "Lakorn" o Thai-novela ay panibagong pasabog ang "Heart of Asia" kaugnay sa pagdiriwang nito ng fifteenth anniversary.

May titulong "You're My Destiny" ang kauna-unahang Thai-novela na mapapanood sa Pilipinas na nakatakdang ipalabas sa GMA Telebabad. -- FRJ, GMA News