Nakilala noon bilang miyembro ng Viva Hot babes, fit at sexy pa rin at 40 years old ang aktres na si Andrea del Rosario.

Dahil ito sa nakakahiligan niyang sport, kung saan sumasali pa siya sa mga tournament kaya napapanatili niya ang pagiging healthy.

Sa programang "Pinoy MD," sinabing nawiwili ngayon si Andrea sa sport na polo, na nagsimula noong 2016.

"Talagang nagfo-focus ako is my back because 'yun 'yung part ng body mo na talagang sasakit when you play," sabi ni Andrea.

"And knowing my body, 'yung body structure ng family ko, ma-tiyan kami eh so talagang diyan, as much as possible 'yung mga workout for the tummy area," dagdag niya.

Ipinakita naman ni Andrea ang kaniyang core workout na ginagawa sa bahay para sa preparasyon sa polo. Bukod dito, alaga rin ng sexy star ang kaniyang diet.

Panoorin sa video kung paano niya ito ginagawa.

— Jamil Santos/MDM, GMA News