Nagsimula lang sa pagiging mag-on screen lovers sa "Meant To Be" noon, pero nauwi rin sa totohanan ang tambalang "Jak-Bie" nina Barbie Forteza at Jak Roberto, na isang taon na ang relasyon.

Sa Star Bites report sa Balitanghali Weekend nitong Sabado, kinumpirma ni Barbie ang tunay na estado nila ni Jak sa panayam sa programang "Tunay na Buhay."

Kamakailan, nakita ng mga fans ang kanilang pagiging sweet sa isa't isa, nang gawin nila ang "My Boyfriend Does My Make Up Challenge."

Ito ang latest Youtube video ni Barbie na umabot na ng mahigit 500,000 views. — Jamil Santos/MDM, GMA News