Nasa Pilipinas ngayon ang K-Pop sensation na Momoland, na nagpasikat ng viral dance craze na Bboom Bboom.

Sa exclusive Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing nakatakdang mag-private concert ang grupo sa weekend.

Kasalukuyang kasama ng Momoland si dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson at may plano siyang ipasyal sa bansa ang K-Pop group.

"Siguro ipapasyal ko sa Cebu, Manila, Ilocos and other places," sabi ni Singson.

"Oh really? Awesome! Exciting!" tugon ni Nancy.

Maraming Pinoy ang napapaindak sa viral na Bboom Bboom dance craze, mapa-bata, may edad na, guro, mga matipuno, at pati mga alagang hayop tulad ng aso. —Jamil Santos/JST, GMA News