Natutuwa ang Kapuso actor na si Gabby Concepcion para sa kaniyang dalawang anak na babae na si Cloie na sasabak sa Miss Universe-Sweden at kay KC na mayroon bagong pag-ibig.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, inihayag ni Gabby ang kaniyang suporta kay Cloie, na anak niya kay Jenny Sequia.

"I hear a lot of good things about... what's happening to her.  I'm really very sorry lang that I didn't have the chance to grow up with her, o she didn't have the chance to grow up with me. But my heart is there and I wish her all the best," ayon sa aktor.

Pagdating naman kay KC, na anak niya sa dating asawa na si Sharon Cuneta, masaya si Gabby na nakatagpo ang dalaga na ng bagong pag-ibig sa katauhan ng ang French filmmaker-businessman na si Pierre Emmanuel Plassart.

"I'm happy that she is in love. I'd like the person to love them also the way they love that person, and that's important," sabi niya.

Habang hinihintay ang bago niyang serye sa GMA, ginawa muna ni Gabby ang pelikulang "Man and Wife," na balak ilahok sa Metro Manila Film Festival.

Muling nakasama ni Gabby sa pelikula bilang direktor si Laurice Guillen, na direktor niya rin sa dati niyang Kapuso hit series na "Ika-6 na Utos."

Kahit busy sa showbiz commitments, naglalaan pa rin naman ng oras si Gabby bilang star volunteers ng Gabay-Guro, isang foundation na tumutulong sa mga guro sa Pilipinas.

Sa Linggo, magkakaroon ng malaking pagtitipon ng mga guro sa MOA Arena na kaniyang dadaluhan at pati na ni Sharon.-- FRJ, GMA News