Sa pamamagitan ng post sa Facebook, ikinuwento ng anak ni Rico J. Puno ang mga huling sandali na nakapiling ang ama sa ospital hanggang sa bawian na ng buhay ang OPM legend nitong Martes ng umaga sa edad na 65.

Sa kaniyang Facebook account, ibinahagi ni Rox Puno ang huling yakap niya sa kaniyang ama sa ospital.

"It was 1:56am, i arrived 1:26am he fought , as he said a few months earlier “ lumalaban ako para sa mga mahal ko sa buhay “ang hirap pala pag ikaw na yung nasa sitwasyon nato. Ang bigat pala i said to myself kaya ko to but wala tao lang ako umiiyak ka nalang. I did not post earlier kasi still cant believe kahit kaharap ko sha. He waited for me pag dating ko sa hospital niyakap ko sha and then i heard yung last breath nya, d ko alam na yun pala yung pagnagpapaalam, i just started crying..... ," saad ni Rox.

Inihayag ni Rox ang labis na pasasalamat sa pagmamahal na ibinigay sa kanila ng ama. Ipinakita rin niya ang kuwintas na suot ng ama bago ito pumanaw na kaniya na raw laging isusuot.

Bilang pag-alala, nag-post din si Rox ng bonding moment nilang mag-ama kasama ang ate niyang si Tosca.

Pinasalamatan din ni Tosca ang amang si Rico J. sa pagiging "great provider and a great & sweet father" nito.

"This is not the last time we will sing together papa. Until we see each other again in His time and sing before the King of kings and Lord of lords, Jesus! No goodbyes just see you laters! I'm sooooo proud to be your daughter! Soo proud of you Papa Rico J. Puno! Love you pops!," saad niya.

Pumanaw si Rico J. nitong Martes sa edad na 65, nang dahil daw sa karamdaman na "heart-related" umano.

Dati nang sumailalim sa operasyon sa puso si Rico at nilagyan ng pacemaker noong Agosto. -- FRJ, GMA News