Pumanaw sa edad na 30 ang K-Pop artist na si Park Bo Ram, na kinumpirma ng kaniyang talent agency na XANADU Entertainment.

Sa isang pahayag nitong April 12 na inilabas ng Soompi, sinabing nangyari ang biglaang pagpanaw ng mang-aawit noong gabi ng April 11.

“It’s true that Park Bo Ram died on April 11,” ayon sa agency. “The cause of death is currently being investigated by the police.”

Matapos lumabas sa Mnet’s audition show na “Superstar K2” noong 2010, nakapaglabas si Park Bo Ram ng kaniyang official debut album noong 2014 na may hit song na “Beautiful.”

Bago pumanaw, naghahanda sana siya sa kaniyang comeback kasabay ng pagdiriwang ng kaniyang 10th debut anniversary.

Ilan pa sa hit songs ni Park Bo Ram ang “Hyehwadong” at “Please say something even though it is a lie.” — FRJ, GMA Integrated News