Sa kaniyang 18th birthday, niregaluhan ni Sofia Pablo ang kaniyang sarili ng bagong kotse.

Sa Instagram, nag-post ng larawan ang Kapuso actress habang nasa tabi ng puting sasakyan na may malaking red ribbon.

"Passenger princess era almost over," saad niya sa caption. "Happy birthday indeed."

Binati naman ng kaniyang ka-love team na si Allen Ansay si Sofia sa kaniyang bagong sasakyan.

"Congrats Aki," saad ng binata.

 

 

Bago nito, ibinahagi rin ni Sofia ang kaniyang 18th birthday video shot na ginawa sa Taipei, Taiwan.

Nakatakdang bumida sina Sofia at Allen sa GMA Afternoon Prime series na "Prinsesa ng City Jail."

Ito ay kuwento ni Princess (Sofia), na lumaki sa loob ng city jail kasama ang mga jail guard. Habang hinahanap ang tunay niyang pamilya, tutulungan siya ng bagong new inmate na si Xavier (Allen).

Kasama rin sa serye sina Will Ashley, Beauty Gonzalez, Dominic Ochoa, Al Tantay, Minie Aguilar, Ayen Laurel, at Denise Laurel. —FRJ, GMA Integrated News