Nagbabala si Alden Richards sa publiko laban sa fake tweets na ginagamit ang kaniyang pangalan, pati sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, muling sinabi ni Alden na nais niyang maging pribado ang tungkol sa kanila ni Kathryn.

"Kahit kailan po hindi po ako magko-comment ng kahit anong defamatory words to someone na hindi ko naman masyadong nakakasama at wala naman akong karapatan na manghusga sa taong tinutukoy dun sa mga fake tweets na kumakalat," sabi ni Alden.

"Ingat lang po tayo sa fake news dahil ang social media po eh pugad ng fake news, so not until 'yung mga official accounts po ng mga artista ang nag-post nung mga tweets na kumakalat diumano, eh huwag po nating agad paniwalaan at mag-fact check po muna tayo bago tayo mag-call out ng judgement," paalala pa ng aktor.

Muling nagkasama sina Alden at Kathryn nang kilalanin sila bilang Box Office King at Box Office Queen ng 2024.

Sa isang panayam sa magazine, nabanggit na rin ni Alden na nais niyang maging pribado kung ano man ang namamagitan sa kanila ni Kathryn na kaniyang naging malapit na kaibigan nang gawin nila ang pelikulang Hello Love Goodbye.

SInabi rin ni Alden sa hiwalay na panayam na "what you see is what you get," ang tungkol sa kanila ng aktres.

Bibida si Alden ang upcoming series ng GMA na "Pulang Araw," at makakasama niya sina Dennis Trillo, Barbie Forteza, David Licauco, at Sanya Lopez. —FRJ, GMA Integrated News