Isang Pinay transgender ang pinatay sa New South Wales sa Australia.

Sa ulat ng australian media, September 21 nang makatanggap ng tawag ang mga pulis sa isang bahay sa Tarcutta Street sa lungsod ng Wagga-wagga.

Natagpuan doon ang biktimang si Mhelody Polan Bruno, 25-anyos.

Isinugod siya sa ospital pero namatay siya kinabukasan.

Arestado ang isang lalaking suspek sa krimen na 31-anyos.

Kinasuhan siya ng manslaughter at nakatakdang humarap sa korte sa Nobyembre. —NB, GMA News