Babaeng BPO worker, natagpuang patay; asawang umiyak nang makita ang bangkay, siya palang salarin
DISYEMBRE 16, 2025, 9:15 PM GMT+0800
SINULAT NI GMA INTEGRATED NEWS
Duguan at patay na nang matagpuan ang katawan ng isang babae sa bakanteng lote sa Barangay Indahag sa Cagayan de Oro City noong Sabado. Ang mister ng biktima, naiyak nang makita ang bangkay ng kabiyak pero lumitaw na sila pala mismo ang salarin sa nangyaring krimen.