Isang 28-anyos na single mother ang natagpuang wala nang buhay sa San Fernando, Camarines Sur.

Natagpuan ang biktimang kinilalang si Jeraldyn Rapinyan na may takip sa ulo, nakatali ang leeg at binti, at nakaposas ang mga kamay, ayon sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita. Base sa autopsy, pananakal ang sanhi ng pagkamatay ng biktima. 

Ayon sa mga pulis, nagpaalam ang biktima sa kaniyang pamilya Huwebes ng gabi na lalabas lang sandali, pero hindi na siya nakauwi.

Ini-imbestigahan pa rin ng pulisya kung sino ang salarin at ang motibo sa krimen. —Maia Tria/JST, GMA News