Isang putol-putol na katawan ng babae ang nakita sa isang basurahan sa Davao City. Ang bahagi ng baywang ng biktima, nawawala.

Sa ulat ni Real Sorroche sa GMA News TV "Balita Pilipinas" nitong Martes, sinabing may sugat sa mukha ng hindi  pa nakikilalang biktima.

Nakita umano ang putol na katawa ng biktima sa Barangay Cabantian noong Linggo ng umaga ng isang na nakabalot sa plastik.

Unang inakala na ang biktima ay si Margie Albarico, 31-anyos, na pipi at bingi, at may special needs.

Nawawala kasi Albarico mula pa noong Huwebes.

Pero biglang nagpakita si Albarico kaya laking pasasalamat ng kaniyang pamilya na buhay siya.

Sa ngayon, blangko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan ng biktima at susuriin umano ang mga CCTV na malapit sa lugar kung saan nakita ang bangkay.-- FRJ, GMA News