Isang 94-taong-gulang na lola ang arestado sa Dapitan, Zamboanga del Norte, matapos umanong ipapatay ang sariling anak dahil sa away sa lupa, ayon sa ulat sa News To Go nitong Huwebes.

Kinilala ang suspek na si Flaviana Sagapsapan, na kumuha raw ng dalawang miyembro ng gun-for-hire group para isagawa ang krimen.

Kasama raw ni Flaviana sa pagpaplano ang kanyang mister na namatay ilang buwan matapos maganap ang krimen.

Hindi nagbigay ng komento ang suspek, na nahaharap sa kasong parricide. —KBK, GMA News