Nasunog ang katawan at nasawi ang isang Grade 8 student na lalaki nang tamaan ng kidlat matapos magpakain ng mga alagang hayop sa Zamboanga City.

Ayon sa ulat ni Jamie Santos sa GMA News TV "Balita Pilipinas" nitong Martes, sinabing tanghali noong Sabado at kasagsagan ng malakas ang ulan nang magpakain ng mga hayop ang magkapatid na biktimang sina Robin at Farlan Gaspar sa Barangay Salaan.

Pero dahil sa malakas ang ulan sumilong daw ang magkapatid sa isang kubo at hindi nagtagal ay tumama na ang kidlat.

Kaagad na binawian ng buhay si Gaspar habang naitakbo naman at nagpapagaling na ngayon sa ospital si Farlan.

Humihingi naman ng tulong sa barangay at sa lokal na pamahalaan ang pamilya.-- FRJ, GMA News