Nahuli na nitong Sabado ang isang buwaya na hininalang pumatay sa isang mangingisda sa Balabac, Palawan, ayon sa ulat ni Pia Archangel sa "24 Oras."

Dinala na sa Balabac Coast Guard station ang buwaya at nakatakdang ibiyahe papuntang  Puerta Princesa City kung saan daw susuriin kung ano ang huli nitong nakain para matukoy kung ito nga ang pumatay sa mangingisda.

Mahigit 15 talampakanang haba ng buwaya habang nasa 400 hanggang 500 kilo naman ang timbang nito. — Margaret Claire Layug/MDM, GMA News