Nasawi ang isang lalaki na dumadalo sa handaan sa isang kasalan sa Mangaldan, Pangasinan.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles base sa impormasyon mula sa GMA Regional TV One North Central Luzon, sinabing nangyari ang insidente sa Barangay Landas noong Linggo.

Inilahad ng asawa ng biktima na bumagsak ang lalaki matapos kumain.

Isinugod pa sa ospital ang lalaki ngunit idineklara siyang dead on arrival.

Sinabi ng pamilya na may hypertension ang biktima at uminom ng gamot na pang-maintenance.

Hindi pa malinaw ang sanhi ng pagkamatay ng lalaki.

Tinitingnan kung may kinalaman ito sa init ng panahon. —Jamil Santos/KG, GMA Integrated News