Bago maganap ang kaguluhan sa Marawi City, may maayos na bahay at pamumuhay ang pamilya ni Aida Dalig Mahdi. Pero nang mangyari ang digmaan, nawasak ang kanilang bahay at nawalan ng kabuhayan kaya napilitan na silang lumuwas ng Maynila.

Ngayon, alamin kung papaano nila nairaraos ang kanilang pangangailangan sa araw-araw, na maaaring nangyayari rin sa marami pang bakwit mula sa Marawi. Panoorin ang pagtutok na ito ng programang "Investigative Documentaries."

Alamin din ang sitwasyon ng mga residenteng naapektuhan ng kaguluhan at nanantili sa Marawi makalipas ang isang taon.

Click here for more GMA Public Affairs videos

--FRJ, GMA News