Tila isang espiya ang galawan ng isang lalaki na "kumakapit" sa lilim ng pader para makaiwas sa sobrang init.

Sa ulat ng State of the Nation nitong Martes, mapapanood ang video ni Luis Andrew Tesorero na hinahabol ang lilim alang-alang sa kaniyang skin care.

Lumalabas si Tesorero tuwing naka-lunch break kaya napipilitan siyang mag-da moves.

Sinabi ni Tesorero na sayang ang pampaganda niyang sabon kung masisira ng mainit na panahon ang kaniyang kutis.

Naka-relate ang maraming netizens kaya naman may mahigit isang milyon na views na ang kaniyang video. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News