Usap-usapan ngayon ng netizens ang larawan ng perang P100 na naka-post sa social media na hinihinalang may depekto sa pagkakaimprenta dahil makikita na mistulang nagkaroon ng "bingot" si dating Pangulong Manuel Roxas.

Ayon sa YouScooper na si Reina Jean Prescillas, nagulat siya nang makita ang kakaibang P100 bills na nakuha niya mula sa isang ATM sa Quezon City nitong Martes.

Hindi raw niya kaagad napansin ang depekto sa pera agad hanggang sa makauwi siya ng bahay nang makita na may bingot si Roxas sa dalawang P100 bills na kaniyang nakuha.

Ipinagbigay-alam na umano ito ni Prescillas sa bangko kung saan siya nag-withdraw ng pera at nakikipag-usap na ito sa kaniya.

Noong nakaraang taon, pinag-usapan din ng netizens ang kumalat na mga pera na wala namang mukha o blangko na nakuha sa ATM.

PANOORIN:  P100 papel na galing daw sa ATM, walang 'mukha.' -- FRJ, GMA News