Pumalpak ang plano sanang pamboboso ng isang lalaki sa Madison, Wisconsin gamit ang camera sa kaniyang sapatos nang sumabog ang baterya nito habang kaniyang tine-testing sa bahay.

Sa blog ng hepe ng Madison Police, hindi na umano inaresto ang 32-anyos na lalaki dahil hindi pa niya nagamit ang camera para makapamboso.

“He said he had purchased a shoe camera that he intended to use to take upskirt videos of females, but the camera battery exploded prior to obtaining any video,” ayon kay Mike Koval, ang hepe ng Madison Police..

Ayon sa ulat ng Wisconsin State Journal, nasaktan umano ang paa ng lalaki sa pagsabog ng baterya

The man’s foot was injured in the battery explosion, which occurred when he was trying out the camera at home, said Officer .

“When the explosion happened, he got treatment for minor burns, then disclosed what happened to his mentor, a clergyman,” David ayon kay Police Officer David Dexheimer.

Ang mentor umano ng lalaki ang nagpayo dito na pumunta sa pulis.

May batas sa Wisconsin na ipinagbabawal ang paggamit ng mga device para kunan o i-record ang mga damit ng ibang tao nang walang pahintulot. Posibleng makulong ng hanggang tatlo't kalahating taon at ma-fine ng $10,000 ang mahuhuling lumabag nito. —JST, GMA News