Viral ngayon sa social media ang dalawang lalaking estudyante na naisipang gumawa ng sarili nilang ad poster at idinikit sa loob ng isang fastfood resto sa Pearland, Texas. Ginawa raw nila ito dahil walang Asiano sa mga poster na nakapaskil sa sikat na kainan.

Kuwento ng mga estudyanteng sina Jevh Maravilla at Christian Toledo ng University of Houston, kumakain sila sa McDonald nang mapansin nila na walang Asyano sa mga poster na makikita sa loob ng kainan.

"If you haven't noticed, there isn't a lot of Asians represented in media. And hopefully one day I could see someone like me on the big screen. So one day, my bud Christian and I were eating at McDonald's, munching on some snack wraps. I look up and I see a blank wall and I tell Christian, 'Hey, what if we put a picture of us on there? Look around, there are literally no Asians in any of these walls. Maybe we can change that,'" sabi ni Maravilla.

Tiyempo namang may blangkong pader sa restaurant kaya naisip ng dalawang lalaki at kanilang mga kaibigan na gumawa ng pekeng poster at ilagay ito sa bakanteng espasyo.

Nailagay nila sa poster nang magpanggap na manager ng kainan si Maravilla at hinintay nila na makaalis ang mga customer at ibang crew.

Makaraan ang 51 araw matapos nilang ilagay ang kanilang poster,  laking gulat nila nang makita nilang nakakabit pa rin ito sa restaurant.

Sa pagkakataon iyon, nakapagpakuha pa sila sa ibaba ng ginawa nilang poster.


Panoorin ang kanilang video.



--FRJ, GMA News