Isang dalaga sa Albay ang nakatawag ng atensyon sa kaniyang mga kabarangay nang kumalat ang balita na umano'y buntis ito at ang nasa kaniyang sinapupunan—hindi raw tao kung hindi isda.

Sa episode ng programang "Kapuso Mo, Jessica Soho," ipinakita ang sinasabing ultrasound kay Kimberly na makikita ang imahe na tila mukha nga ng isda at parang may buntot pa.

Ang mga kaanak ng dalaga, naniniwala na posibleng isda nga ang nasa tiyak ni Kimberly na pumasok sa kaniyang puwerta dahil naliligo raw ito sa dagat kahit may buwanang-dalaw at walang suot na panloob sa ibaba.

Kung hindi man daw isda, maaaring igat daw ang pumasok sa katawan ng dalaga. Ano nga ba ang nasa sinapupunan ni Kimberly? Alamin ang kasagutan sa video na ito.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News