Dahil hindi pakikinabangan, isinauli sa may-ari ng isa umanong kawatan sa Cebu City ang tinangay niyang washing machine nang malaman niyang hindi gumagana.

Sa ulat ni Decemay Padilla ng DYSS Super Radyo GMA sa GMA Regional TV nitong Martes, sinabi ni Police Major Jiceree Basitao ng Inayawan Police station, na dati na ring nasangkot sa katulad na krimen ang 21-anyos na suspek.

Nagulat umano ang may-ari ng washing man nang makita nito ang suspek na buhat-buhat ang nawawala niyang gamit para isauli dahil sira.

Inamin din umano ng suspek na kinuha niya ang washing machine dakong 1:00 am sa Barangay Kinasang-an. -- FRJ, GMA Integrated News