Kinagigiliwan ng netizens ang isang batang lalaki na nagja-jogging para habulin ang reward na tsokolate mula sa kaniyang lola at ina sa Calamba, Laguna.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Huwebes, mapapanood ang video ng kakaibang pagpapapawis ng tatlong taong gulang na batang si Liam para sa kaniyang summer remedy.

Makikitang ā€œG na Gā€ si Liam sa takbuhan para sa nakaabang na reward sa finish line, habang riding-in-tandem sa e-trike ang lola at mommy ni Liam dala-dala ang papremyong tsokolate.

Kumakaripas naman sa pagtakbo si Liam.

Sulit naman ang bawat patak ng kaniyang pawis dahil sa bandang huli, natikman din ng bata ang tsokolateng matamis.

Ayon naman sa kanilang pamilya, for fun lang ang kanilang good vibes na trip.

Simula Disyembre, madalas talaga ang jogging sessions ng pamilya ni Liam.

Maraming netizens ang feeling inspired sa kaniyang kakaibang exercise paandar. ā€” Jamil Santos/RSJ, GMA Integrated News