Nagigising ka ba sa mahimbing na tulog dahil sa biglang pag-atake ng pulikat sa binti o kung tawagin ay nocturnal leg cramps. Alamin sa pagtalakay ng "Pinoy MD" ang posibleng dahilan nito at kung papaano ito maiiwasan.

Sa programang "Pinoy MD," isang babae at isang lalaki ang nakapanayam na nakararanas ng isa hanggang dalawang beses na pamumulikat sa binti habang natutulog sa loob ng isang linggo.

Pinaniniwalaan nila na may kaugnayan ang uri ng kanilang trabaho sa nangyayari sa kanilang binti.

Batay umano sa pag-aaral, ang pulikat ay biglaang pagsisikip ng muscle sa katawan. Madalas itong nangyayari sa binti at madalas mangyari sa gabi o madaling-araw na kung tawagin ay nocturnal leg cramps.

Maaaring umatake ito kung mali ang posisyon ng tulog, matagal na pagkakaupo, kulang sa potassium o calcium sa dugo, o dehydrated ang katawan tao.

Maaari din daw na may kaugnayan ang pamumulikat sa sakit na diabetes o hypothyroidism.

Mas malaki rin daw ang posibilidad na maranasan ito ng mga nagkakaedad na.

Upang maiwasan ang pulikat, ilang paraan ang ibinigay ng dalubhasa tulad ng stretching exercise. Panoorin ang buong pagtalakay ng "Pinoy MD" tungkol sa problemang ito sa katawan.

 

Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News