Sa mahal ng mga gamot at pagpapaopera ngayon, hindi kataka-taka na marami sa mga Pinoy na may malulubhang karamdaman ang nagbabakasakali sa tinatawag na "alternative" medicine.

At isa sa mga pinag-usapan nang husto kamakailan sa social media ay ang kakayahan umano ng katas ng damong "paragis" na makapagpagaling ng ilang malubhang karamdaman gaya ng diabetes at mayoma.

Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho nitong Linggo, sinaliksik ng programa ang kuwento ng ilang tao na umiinom umano ng katas na paragis at nagsabing gumaling ang kanilang karamdaman at bumuti ang kanilang pakiramdam.

Pero paglilinaw lang, walang intensyon ang programa na iindorso ang pag-inom ng katas ng paragis bilang alternatibong panggamot sa mga may karamdaman.

Panoorin ang ginawang pagsusuri ng "KMJS:"


Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News