Pinagkakaguluhan ngayon sa bayan ng Palimbang sa lalawigan ng Sultan Kudarat ang umano'y mahiwagang mga bato na nakita ng mga residente sa dalampasigan dahil makinang at nakapapaso ang mga ito.  

Sa ulat ni GMA News stringer Garry Balantay sa "Unang Balita", sinabing napaso umano ang kamay ng isang barangay kagawad nang hawakan niya ang isang makinang na bato na nakita niya sa dalampasigan. 

Sinabi umano ni barangay kagawad Bramuel Marquez na nakatawag ng kanyang pansin ang makinang na bato. At nang hawakan umano niya, napaso siya at tila may apoy ito. 

Ilang residente rin ang sumubok na hawakan ang mga bato  pero napaso rin sila. 

Ipinagtataka rin umano ng mga residente kung bakit amoy pulbura ang mga bato, na kalauna'y nagiging pulbos.

Nais umanong ipasuri mga taga-Palimbang ang mga bato. —LBG, GMA News