Patay ang 20 katao nang salpukin ng bus ang sinasakyan nilang jeepney sa Agoo, La Union habang patungo sa simbahan para dumalo umano sa misa sa Manaoag, Pangasinan.

Ayon kay Police Chief Superintendent Romulo Sapitula, Police Regional Office 1, idineklarang dead on arrival sa La Union Medical Center (LUMC) ang 19 na sakay ng jeepney.

Ang mga biktima na pawang residente ng Barangay Pilar, Bauang, La Union, na sina:

1. Florence Cabueñas
2. Pepito Antolin y Rendon
3. Cecil Antolin y Ramirez
4. Mark JersonCabero
5. Rolando Perez y Abenes
6. Vicky Cabagbag y Aquino
7. Jeraldine Cabradilla y Ramirez
8. Kennedy Cabagbag
9. Kyle Cabagbag - 6 months old
10. Anna Karina Ramiscal - minor
11. Claudia Cabradilla y Ramirez - minor
12. Jeffrey Cabradilla y Sabado
13. Nadine Joy Cabueñas – minor
14. Norin Ivy Cabueñas - minor
15. Neil Ivan Cabueñas - minor
16. Manuelito Lomboy Jr
17. Claudine Cabradilla y Ramirez
18. Adila Antolin
19. Vergie Antolin y Ramirez

Samantala, pumanaw naman habang ginagamot sa Ilocos Training and Regional Medical Center ang limang-buwang-gulang na si Nelson Cabueñas.

Sa nabanggit na ospital din dinala ang mga nasugatan na sakay ng jeepney na sina:

1. Ronald Cabueñas
2. Ednalyn Ramirez y Aquino
3. Ian Antolin y Ramirez
4. Herson Cabiro
5. Wenalyn Cabueñas
6. Jessa Mae Cabradilla
7. Chita Cabradilla
8. Johny Cabradilla
9. Jocelyn Cabradilla

Bukod sa mga sakay ng jeepney, 15 katao na sakay ng bus ang nasakatan, ayon sa pulisya.

"They were trying to catch a Mass in Manaoag [Pangasinan]," sabi ni Police Officer Vanessa Abubo sa Agence France-Presse.

Dinala naman sa Agoo Family Hospital  ang drayber, konduktor, at mga pasahero ng bus na nasaktan sa naturang aksidente.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng mga awtoridad na nag-overtake ang jeepney kaya nakasalubong at nabangga ng bus na nasa kabilang linya.

"It looks like, allegedly, nag-overtake itong, kumuha ng linya itong jeep sa linya ng ano at sinalubong talaga itong bus, sinalubong ng jeep," sabi ni Diosdado Magpili, opisyal ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer, sa panayam ng GMA News TV's "Balitanghali." —Agence France-Presse/FRJ, GMA News