Patay ang isang 7-anyos na lalaki nang tumilapon at tumama sa windshield ng kanilang sasakyan sa Bacolod City.

Sa ulat ng "Balitanghali" nitong araw ng Linggo, kinalala ang biktima na si Kent Marion Peñaflorida, anak ni Pototan, Iloilo councilor Kent Roger Peñaflorida.

Ayon sa ulat, ang konsehal ang nagmamaneho ng kanilang sasakyan kasama ang kanyang pamilya nang biglang nabagsakan ng puno ang sasakyan.

Biglang napapreno ang nakatatandang Peñafrorida, dahilan upang tumilapon ang bata at humampas sa windshield ng kanilang sasakyan.

Nakakandong umano ang bata sa kanyang ina na nakaupo sa front-seat, ngunit hindi naka-seat belt ang bata.

Sinubukan pangdahin sa ospital ang biktima pero binawian din ito ng buhay. —LBG, GMA News