Matagal nang mga naninirahan sa napakagandang Santa Cruz Island sa Zamboanga City, pangingisda ang pangunahing ikinabubuhay ng ethnic group na Sama Banguingui.

Kaya sa pagbisita sa isla na ito, hindi dapat palagpasin ang mga nagsasarapang seafood recipe na Oko-Oko at Chupa Kulo.

Sa programang "Pinas Sarap" nitong Huwebes, ipinakita ang pagluto ng Oko-Oko, kung saan isinisiksik ang kanin sa sea urchin na Tehe-Tehe.

Mas maiksi ang mga tinik kaysa ibang sea urchin, ang Tehe-Tehe ay may kakaibang lasa na sumasama sa kanin kaya nagiging malinamnam ang Oko-Oko.

Kakaiba rin ang recipe na Chupa Kulo, na mula naman sa pinakuluang Bangugon shell na may halong gata at kalabasa.

Upang makain ang laman na snail, kailangang sipsipin ang shell nito. —Jamil Santos/NB, GMA News