Sinaksihan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagwasak sa mga mamahaling sasakyan na ipinuslit umano sa pantalan sa Santa Ana, Cagayan.

Sa ulat ni Joseph Morong sa GMA News "24 Oras" niyong Miyerkoles, sinabing ginawa ang pagwasak sa mga smuggled luxury vehicle na nagkakahalaga ng P27 milyon sa Cagayan Economic Zone.

Galing umano ang mga sasakyan na hindi pa kinukuha mula pa noong 2014 sa mula sa Japan at Korea.

Kasama sa mga sinira ang Maserati Quattro Porte, Porsche 911 GT3, BMW Alpina B12, BMW Z1, Opel Manta, Renault R5, at wlong units of Mercedes Benz.

Muli namang binigyan-diin ni Duterte na hindi niya kokonsintihin ang anumang uri ng pagpupuslit ng mga produkto sa bansa. -- FRJ, GMA News