Nahanapan ng P2.7 milyong halaga ng droga ang dalawang suspek na naaresto sa isang buy-bust operation ng Philippine National Police Region 4A sa Cainta, Rizal, ayon sa ulat ni Bam Alegre sa Unang Balita nitong Huwebes.

Isang malaking sachet na may lamang 250 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P1.2 milyon ang narekober mula kina Laika Camille San Pedro at Maria Baylon.

Nahanapan rin ang dalawang babae ng dalawang pakete ng kush o high-grade marijuana na nagkakahalaga ng P1.5 milyon.

Tumanggi ang dalawang suspek na alam nilang ilegal ang mga hawak nilang droga.

Aniya San Pedro at Baylon, dine-deliver lang nila ang mga paketeng nanggaling pa daw ng Amerika.

Natimbog ang dalawa sa tulong ng intelligence reports.

Bago pa man maaresto ang dalawa, nakapiit na ang kanilang mga asawa na nakalaboso rin sa hiwalay na buy-bust operation. â€”Rie Takumi/KG, GMA News