Katatagan ng pag-asa ni Mico matapos masabuyan ng asido
Dalawang buwan na nang masabuyan ng asido si Mico ng di pa na nakikilalang salarin. Kahit na unti-unti nang naghihilom ang lapnos niyang balat, nanganganib pa ring mawalan siya ng paningin dahil sa insidente.
Gayunpaman, nananatiling matatag ang pag-asa ni Mico na maipagpatuloy ang pagtaguyod sa pamilyang umaasa sa kanya.
(Date aired: May 19, 2012)