Nagkuwento ang "Eat Bulaga" dabarkads na si Vic Sotto tungkol sa pagbubuntis ng kaniyang maybahay at kapwa-dabarkads na si Pauleen Luna. Tinanong din si Bossing kung pahihintuin na ba niya sa showbiz ang asawa kapag naisilang na ang panganay nilang anak.

Sa "Chika Minute" report ni Lhar Santiago sa GMA news "24 Oras" nitong Lunes, sinabing excited na muli si Vic na maging ama sa magiging anak na babae nila ni Pauleen.

READ: Gender ng baby nina Bossing Vic at Pauleen, alamin

"Sa mga ipo-post ni Pauleen sa bagong page ng aming buhay, of course she loves sharing it to the people, so eto, magandang pagkakataon," ani Vic. "Social media, I'm not really into it but I'm always kung baga, parati akong updated."

Nagpapasalamat ang TV host-actor na walang anumang problema sa pagbubuntis ng kaniyang asawa.

"Hindi naman siya 'yung tipong hirap magbuntis. Hindi naman siya 'yung tipong naghahanap ng kung ano-ano. One thing I noticed lang, marami siyang ayaw na dati gusto niya," kuwento niya.

Nang tanungin kung may napili na sila ni Pauleen na magiging pangalan ng kanilang anak, sinabi ni Vic na; "Wala pa. We're still working on it, we have some names line-up."

Bagaman hindi daw niya pipigilin si Pauleen na ipagpatuloy ang showbiz career kapag nagsilang, batid daw ni Vic na magiging priority ng asawa ang kanilang baby.

"Hindi naman maaalis sa kanya 'yon. But I definitely believe that she will be a full-fledged mother. Kung baga, priorities will change I think. Ang magiging priority is the baby, second na lang yung career," paliwanag niya.

Natutuwa rin si Vic na nakapasok sa Metro Manila Film Festival 2017 ang entry nilang "#FamilyGoals," na makakatambal niya si Dawn Zulueta.

Sinabi ni Vic na pampamilya at marami ang makaka-relate sa istoya ng kanilang pelikula. -- FRJ, GMA News