Nasangkot sa away ang "That's My Bae" member na si Miggy Tolentino sa sinalihang basketball game sa Caloocan City.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Lunes, sinabing susugurin daw ni Miggy ang nakaalitang referee na si Tonton Fajardo matapos ang laban.

Makikikita pa sa CCTV camera ng barangay 34, Maypajo sa Caloocan ang pagsugod umano ni Miggy pero napigilan siya ng mga kasamahan.

Ayon kay Tonton, may tinawag daw siyang foul sa team- mate ni Miggy na posibleng ikinagalit ng huli.

Dalawang beses na raw sinubukang pag-ayusin ang dalawa sa barangay pero hindi nakasipot sa pulong si Miggy dahil daw sa taping.

Muling ni-reset sa Huwebes ang paghaharap ng dalawa.

Sinusubukan pa ng GMA News na makuha ang pahayag si Miggy ukol sa insidente. -- FRJ, GMA News