Isinilang na ni Kapuso star Kylie Padilla ang kaniyang "little prince", ayon sa mga post ng kanyang partner na si Aljur Abrenica.

Ayon sa isang ulat ng Pep.ph, 10:30pm ng manganak si Kylie, ayon na rin sa isang social media post ni Aljur. Dagdag nito, kinumpirma ng aktor na nitong August 3 ay nag-labor na si Kylie. 

"Totoo po 'yan. Sa ngayon, nasa labor po siya," pahayag ni Aljur sa Pep.ph.

"Kasama niya ang nanay ko, kapatid ko, at kung sinumang mga taong nakakatulong sa kanya," dagdag niya

Sa Instagram post ni Kylie ng sonogram ng kaniyang "little prince" noong August 1, ipinakita niya ng malapitan ang mukha ng baby.

Aniya, "I think you got your daddy's eyes and lips. You so handsome love!"

Matatandaang kinumpirma ni Kylie ang nayang pagbubuntis noong January 22, 2017. —LBG/AT, GMA News