Dahil sa pagiging raketera o subsob sa trabaho, napili ang Youtube sensation na si Ashley Rivera, na kilala rin bilang si Petra Mahalimuyak, na bigyan ng kaniyang deserving at sorpresang pahinga sa "Day Off."

Kasama sina Dasuri Choi at Lovely Abella, pupunta sina Ashley sa isang private resort kung saan muli siyang magsasampol ng kaniyang viral video sa pagsayaw sa hit song na "Despacito."

Alamin din kung sino si Ashley sa likod ng camera bilang anak at kaibigan. Panoorin:


Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

-- FRJ, GMA News