Pagkaraan na mawala ng ilang buwan sa Twitter world, nag-tweet na muli ang "Eat Bulaga" dabakads na si Maine Mendoza.

Ang kaniyang unang tweet sa pagbabalik niya sa Twitter ay pasasalamat sa fans ng tambalan nila ni Alden Richards na "AlDub."

"Thank you very much, AldubNation! Salamat sa suporta at pagmamahal na walang sawa niyong binibigay! ? #ADNFestival2017," saad ng phenomenal star.

 

 

June 3 ang huling post ni Maine sa kaniyang Twitter account na mayroong 4.51 milyong followers.

Nitong unang bahagi ng Oktubre, sinabi ni Maine na babalik na siya sa Twitter world at mayroon na lang siyang hinihintay na signal.

"Wala po akong specific date pero soon po. Meron lang po akong inaantay na matapos. 'Pag natapos na po iyon, hindi ko pa kasi siya puwedeng sabihin eh, dun na po yung go signal ko to go back," saad ni Maine sa nakaraang panayam.

Pansamantalang dini-deactivate si Maine ng kanyang Twitter account dahil umano sa mga negatibong komento at pag-aaway-away na nababasa niya sa kaniyang mga follower. -- FRJ, GMA News