Ano kaya ang mangyayari kay dubsmash queen Maine Mendoza sa kaniyang pagganap bilang "Osang tsismosa" sa isang episode ng "Daig Kayo ng Lola Ko" sa darating na Linggo?

Sa naturang episode, parurusahan ng isang fairy godmother na gagampanan ni Sheena Halili si "Osang," karakter ni Maine dahil sa kaniyang pagiging tsismosa.

Mapapanood din sa naturang magical adventures program si Lola Goreng, na ginagampanan ni Gloria Romero, gayundin sina Chlaui Malayao as Moira, David Remo as Elvis, Jillian Ward as Alis and Frances Makil-Ignacio as Mila. 

Pero ano man ang mangyayari sa bida ng Kalyeserye ng "Eat Bulaga!" sa naturang episode, tiyak naman na kapupulutan ito ng aral ng mga manonood, lalo na ang mga bata kaya huwag palalampasin. —LBG/FRJ, GMA News