Mas nakilala na ngayon ang bansang Croatia dahil nagiging paborito na itong pagkunan ng Hollywood movies at American series katulad na lang ng sikat na seryeng "Game Of Thrones," na dinayo ng programang "Kapuso Mo, Jessica Soho."

Binisita ni Jessica Soho ang kalye ng Dubrovnik, na paboritong tambayan ng mga Croatian kung saan puwede silang umupo, magkape at mag-usap. At makabibili rin dito ng mga prutas at gulay.

Isa sa mga sikat na landmarks sa Dubrovnik ang "Jesuit Stairs,"  na pinagkunan sa eksenang "Walk of Shame" sa Game Of Thrones. Sa Gradac Park naman kinunan ang pagkamatay ni King Joffrey.

Kinunan bilang tahanan ng naghaharing pamilya sa Westeros, ang Lovrijenac Fortress na simbolo ng pag-aaklas ng Dubrovnik sa pananakop ng Venetians.

Mahirap pero sulit naman kung maaakyat ang tuktok ng Minceta Tower, ang pinakamataas na bahagi ng Walls of Dubrovnik.

Binista rin ng "KMJS" ang Klis Fortress at Diocletian Palace na mga sikat din na mga landmark sa Croatia. Panoorin ang kabuan ng special episode na ito:


-- Jamil Santos/FRJ, GMA News