Muling mapapanood sa Kapuso station ang nag-iisang Superstar na si Ms. Nora Aunor, at ang mga hunk actor na sina Wendell Ramos at Luis Alandy.

Magkakasama ang tatlo sa isang primetime series na hindi pa inilalabas ang titulo.
Napanood si Nora sa GMA series na "Little Nanay" na pinagbidahan noon ni Kris Bernal.

Samantala, ilang taon ding hindi napanood sa GMA sina Luis at si Wendell.

Naging kabilang noon si Luis sa seryeng "The Rich Man's Daughter" na pinagbidahan ni Rhian Ramos. Samantala, dating napapanood si Wendell sa "Bubble Gang."

Makakasama ng tatlo sa upcoming series na ididirek ni Gina Alajar sina Mikee Quintos, Kate Valdez, Vaness del Moral, Enrico Cuenca, Jo Berry at si Gardo Versoza.

 

-- FRJ, GMA News