Sa press conference ng upcoming Kapuso series na "The Cure," tinanong ng showbiz press ang aktres na si Jennylyn Mercado kung engaged na nga ba sila ng nobyong si Dennis Trillo.

Matatandaan na lumabas ang mga espekulasyon na engaged na ang dalawa dahil sa Instagram post ni Dennis ng larawan nilang dalawa na magkahawak-kamay at makikita ang singsing na suot ng aktres.

WATCH: This Dennis Trillo IG post has got people hearing wedding bells

 

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo) on

 

Pero itinanggi ni Jennylyn na engaged na sila ni Dennis.

"Ano bang ibig sabihin 'pag may singsing? 'Di ba 'pag engagement ring, bato, isang bilog na bato? O square? Ano ba? Ewan ko. 'Di ba ganu'n 'yun?" paliwanag ng aktes sa press conference ng "The Cure" na ginanap nitong Martes ng gabi sa isang resto-bar sa Quezon City.

Tinanong din si Jen kung nag-propose na si Dennis sa kaniya, sagot niya. "Wala eh, wala naman."

"Nakita niyo naman 'yung picture wala naman. Relo lang talaga," tugon niya tungkol sa magkaparehong relo na suot nila sa larawan.

Nang tanungin naman kung may plano na ba silang magpakasal ng nobyo, sabi ni Jen, "Wala pa sa plano ko 'yan."

Makakasama ni Jennylyn sa "The Cure" sina Tom Rodriguez, Mark Herras, Ken Chan, Arra San Agustin, LJ Reyes, Jay Manalo at si Miss Jaclyn Jose.

Mapapanood ang "The Cure" simula sa Abril 30 sa GMA Telebabad.-- FRJ, GMA News