Nakarating na sa bansa ang dalawang miyembro ng sikat na K-Pop group na Super Junior para sa kanilang Super Show 7 concert sa Sabado, June 30, sa Mall of Asia Arena.

Mainit na sinalubong sina Leeteuk at Shindong ng kanilang fans na maswerte pang nahawakan ang kamay ng kanilang Korean idols.

Nilapitan at binati rin sila ni Leeteuk.

Nakatakda namang dumating ang iba pang miyembro ng Super Junior Biyernes nang gabi.

Ilan sa mga pinasikat na kanta ng Super Junior ang "Sorry, Sorry" at "Black Suit." —Maia Tria/KBK, GMA News