Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si AiAi delas Alas nang tanungin kung anong materyal na bagay ang gusto niyang matanggap sa nalalapit na kasal nila ni Gerald Sibayan. At kung magpadala ng regalo sa kaniya si Kris Aquino, tatanggapin kaya ni AiAi?

“Pera!” diretsong sagot niya.

“Hindi nga... huwag na tayong magplastikan, ano?

“Siyempre gusto ko, pera, kasi magsisimula kami ni Gerald, e! Di ba?

“May prenup kami, yung mga ari-arian ko, ari-arian ko lang.

"Kung ano yung meron siya, kaniya lang din yun.

“From scratch.”

Hindi rin daw tatanggihan ni AiAi kung sakaling magpadala ng regalo sa kaniya si Kris Aquino.

“Siyempre, grasya yun, ‘no!

“Huwag tayong tumatanggi sa grasya, masama.”

Pero hindi ba talaga imbitado si Kris sa kasal niya?

“Hayaan mo na!” natawang sagot ni Ai-Ai.

Bukod sa materyal na bagay, ano pa ang nais niyang matanggap?

"Anak!" mabilis na sagot ni Ai-Ai.

"Gusto ko yung anak ko healthy, tapos lalaki siya na bibong bata.”
Boy or girl?

“Anything, basta normal siya, normal na mataba na cute!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai sa taping ng GMA-7 drama anthology na "Magpakailanman," sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife, nitong Lunes, October 9.

May pamagat na "Tanging Nanay: The Emily Baclao Story," ipalalabas ito sa Sabado, October 14. -- For the full story, visit PEP.ph