Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Maricar de Mesa tungkol sa ama ng kaniyang four-month-old baby girl.

Isinilang ni Maricar ang kanyang anak na si Alianna Sky noong July 17, 2017.

Noong October 28, nag-post pa ang 37-year-old actress sa Instagram ng larawan nilang pamilya.

Subalit tikom ang bibig ni Maricar tungkol sa pagkatao ng kanyang partner sa interviews. Maging ang pangalan nito ay hindi nababanggit ng aktres.

Paliwanag niya, "Kasi he’s based in the US. He’s an American.

"We prefer din [to be private], kasi very private din kasi siya na tao and also his family."

Ngunit nangako si Maricar na minsan ay isasama niya ang partner sa isang event at doon ipakikilala.

Long-distance relationship daw ang set-up nila; si Maricar at ang baby niya ay nasa Pilipinas, samantalang nasa Amerika naman ang partner niya.

Nang tanungin kung paano sila nagkikita, sinabi ng aktres na pumupunta siya noon sa US.

“Back and forth.

"Like, for the past years na ginagawa ko, ganun na muna siguro.

“I want also din my family here to enjoy my baby. First in the family.

“We’ll see kung paano. We’re adjusting.”

Aminado si Maricar na mahirap ang sitwasyon nila, kaya buwan-buwan ay lumilipad sa Pilipinas ang kanyang partner para makasama sila ng kanilang baby kahit ilang araw lang.

Saad niya, “Mahirap. It’s really not easy na walang partner sa tabi, lalo na ngayon na may baby.

“But he is here every month. He’s back and forth every month.

“He’s here eight to nine days a month since I gave birth, so four consecutive months.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maricar sa Golden Fiesta Canola Oil Heart Healthy Camp Celebrity Edition, noong Linggo, November 26.

Dalawang taon na raw silang magkarelasyon pero wala pa raw silang planong magpakasal.

“Hindi pa, because I just got my annulment this year, so hindi ako prepared pa for that,” mabilis na sagot ni Maricar.

Annulled si Maricar sa dating asawa, ang dating PBA player na si Don Allado.

Walang anak ang dalawa.

Ano ang hinihintay nila ng kanyang American boyfriend para magpakasal?

Ayon sa aktres, “Kasi, we both came from divorce.

"The way I see it, what’s the rush? Pareho na tayo nanggaling diyan.

“Having a baby is a different phase, so ito muna. Ito munang phase na ‘to na may baby.

“Kasi, like I said, na pareho kaming galing dun [kasal]. It’s just a piece of paper for us.” -- For more showbiz news, visit PEP.ph