Biggest break para sa Kapuso teen actress na si Pauline Mendoza ang gumanap bilang kambal na nagmumulto sa GMA primetime teleserye na "Kambal, Karibal."

Lumabas na si Pauline bilang kapatid ni Barbie Forteza sa "That’s My Amboy" at bilang batang Jennylyn Mercado sa "My Love From The Star."

Lumabas din siya sa mga shows na "Little Nanay," "Alyas Robin Hood," "Karelasyon," "Juan Happy Love Story" at "Magpakailanman."

Kaya natuwa si Pauline na isang challenging role bilang multo ang ipinagkatiwala sa kanya.

BIANCA LOOK-ALIKE. Hindi na raw kailangan pa ni Pauline mag-audition dahil sa magkahawig na raw sila ng lead actress ng teleserye na si Bianca Umali.

"Natuwa po ako kasi hindi ko na po kailangan mag-audition for the role of Criselda.

"Kasi malaki raw ang hawig ko kay Bianca Umali who will play my twin sister Crisanta.

"Pinagtabi po kami at nakita nila ang maraming similarities namin. Kaya binigay na sa akin ang role na Criselda.

"It’s the biggest break so far para po sa akin kaya thank you, Lord!" masayang kuwento ni Pauline sa presscon ng Kambal, Karibal sa Le Reve Events Venue, Quezon City noong nakaraang November 21.

DOING THEIR OWN STUNTS. Noong unang araw pa lang daw ng taping nila nina Bianca at Miguel Tanfelix ay malaking challenge agad ang hinarap nila.

Kuwento niya, "Yung first taping day namin nila Bianca at Miguel, mabigat na agad.

“Kinunan po kami sa isang bangin na hinahatak ko si Bianca.

"Kami po ang gumawa ng stunt na iyon. Walang po kaming dobol.

"Safe naman po kami kasi may harness kami.

“Tsaka mababa lang yung bangin talaga. Nilagyan po ng special effects para magmukhang malalim siya.

"May mga nakaabang naman pong mga tao sa baba kung sakaling may mangyaring di maganda.

"Pero naging okey naman po ang first day shoot naming lahat.

“Walang naaksidente o nasaktan.”

May dahilan daw kung bakit nagiging vengeful ghost siya sa istorya.

Pero kailangan daw munang hintayin ni Pauline ang script para rito.

"Hindi po kasi nila sinasabi yung mga magiging eksena namin.

"Surprise po lahat ng eksena namin para nae-excite kaming lahat.

"May big reason kung bakit ako nagalit sa kambal ko at kung bakit pumasok ang spirit ko sa isang tao para nakapaghiganti ako.

"Abangan na lang po nila kasi kahit kami, di namin alam ang mga susunod na mangyayari sa story," diin ni Pauline. -- For the full story, visit PEP.ph