
Walang nakikitang masama ang PBA player na si James Yap sa pagbati niya sa ika-11 kaarawan ng anak na si James "Bimby" Yap Jr. noong April 19.
Idinaan ni James sa Instagram ang birthday greeting para sa anak nila ng dating asawang si Kris Aquino.
Binati raw niya ang anak dahil nami-miss na niya ito.
Ngayong Martes ng hapon, April 24, nagpaunlak si James ng eksklusibo ngunit maiksing panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng telepono.
Ayaw na raw sana niyang magpa-interview dahil alam niyang hahaba lang ang isyu.
Ngunit nais linawin ni James na ang pagbati niya kay Bimby sa birthday nito ay kaniyang karapatan bilang ama.
Pahayag ng 36-year-old basketball star, “Birthday ng anak ko, grineet ko lang naman.
“Wala naman yatang masama dun kapag i-greet mo yung sarili mong anak.
“Tsaka na-miss ko siya. Wala naman atang masama dun... sariling tatay mag-greet sa sariling anak.”
READ: Kris Aquino calls out ‘hypocrisy’ of James Yap's birthday message for Bimby
Matatandaang pinalagan ni Kris ang pagbati ni James kay Bimby dahil wala raw itong malasakit sa kanilang anak.
Hindi rin daw ramdam ni Kris ang senseridad sa pagbati ni James dahil wala naman daw itong effort magpakaama kay Bimby, ngayong wala na sa poder ang pamilya Aquino. -- For the full story, visit PEP.ph
