Inamin ng batikang aktres na si Jaclyn Jose na inaya niya ang kaniyang anak na si Andi Eigenmann na maging Kapuso na katulad niya.

Sa press conference ng bagong prime time series ng GMA-7, na "The Cure" kamakailan, sinabi ni Jaclyn na freelancer na ang kaniyang anak.

“Niyaya,” tugon ni Jaclyn nang matanong ng press kung hinikayat niya ang anak na maging Kapuso.

“Tingnan natin kung ano ang [desisyon] ng mga boss,” saad niya.

Bagaman madalas na nasa beach si Andi, sinabi ni Jaclyn na nananatili pa rin ang interes ng anak sa showbiz pero ang priority raw nito ay ang anak na si Ellie.

Ibinahagi rin ng batikang aktres na gusto niya ang mga nakikitang pagbabago kay Andi ngayon.

“She matured a lot,” pakli niya.

“Yung thinking niya, masasabi mo na, you know, she takes care of herself, Ellie, and pati environment. 

“Pati yung pagiging environmentalist niya, saving the earth...

"Meron siyang advocacy. She wants to save the beach for that matter, particularly Siargao, Baler.

“Namumulot sila ng mga plastic.”

Nakatulong din ba ang pagla-lie low ni Andi sa showbiz sa nakikita niyang disposisyon ngayon ng anak?

Pagsang-ayon ni Jaclyn, “Oh, yes, yun talaga ang reason niya kung bakit siya nag-lie-low.

“Pero kasama niya si Ellie.

“Ngayon, kasama niya si Ellie sa Baler.

“Parang she’s sobrang concerned on protecting the earth, lalo na sa [bansa] natin.”

Nahahawa na nga rin daw siya sa pagiging environmentalist ni Andi.

Ayon kay Jaclyn, “Hindi siya nagpa-plastic sa bahay, hindi siya nag-i-straw.

“Pati ako, nahahawa na rin ako.

“Parang feeling ko, oo, tama si Andi. 

“Kung gagawin ng isa, malaki rin ang maitutulong nun, so she doesn’t use any—kahit plastic cups.

“Kapag bibili siya, like, sa drive-thru, ibibigay niya yung cup niya na may straw na.” -- For the full story, visit PEP.ph