Connect with GMA News:
Google+1 us
GMA News Online Videos » GMA 7 Shows


Mga kakaibang gulay mula sa Ilocos, natikman mo na ba?

Ang sugod-sugod at balbalosa ay ilan lamang sa mga gulay na tunay namang kakaiba pero swak sa panlasa ng mga Pinoy. (Date aired: May 12, 2012)

Ang mga pagbabago sa buhay ni Arnel Pineda

Sa gitna ng isang dokumentaryo, ilang concert tours, at patuloy na pag-usbong ng kanyang career, ano pa nga ba ang bago sa buhay ng Journey vocalist na si Arnel Pineda? (Date aired: May 5, 2012)

PHL mangoes, naihain na sa White House at Buckingham Palace

Bilang ika-anim na pinakamalaking exporter ng mangga sa mundo, tunay ngang matatawag na "Mangga Republic" ang Pilipinas. Bukod sa kilalang pasalubong na dried mangoes, marami pang ibang produktong gawa sa mangga at gawang Pinoy gaya ng mango ketchup, na siya namang ginagamit sa pagluluto ng isang kakaibang klase ng paella. (Date aired: April 28, 2012)

Iba't ibang water adventures ngayong summer

Ngayong tag-init, alamin ang iba't ibang water adventures na pwedeng summer activity ng pamilya't barkada! (Date aired: April 21, 2012)

Onuk Island, hidden paradise sa Palawan

Sa Travel Special ng Kapuso Mo, Jessica Soho, silipin ang mala-paraisong isla ng Onuk sa Palawan at ang magandang beach dito! (Date aired: April 14, 2012)

Titanic artifacts, naka-display sa isang museo sa Singapore

Samahan si Jessica Soho sa kanyang pagpasyal sa isang museo sa Singapore, kung saan naka-display ang ilang artifacts na na-recover mula sa lumubog na barkong Titanic. (Date aired: April 14, 2012)

Hesus, nagpakita umano sa pamamagitan ng puno ng acacia

Isang puno ng acacia ang dinarayo dahil sa imahe ni Hesukristo na nagpakita raw dito. Ilang deboto ang naniniwalang naghihimala si Hesus at ang iba pang patron sa pamamagitan ng pagpapakita sa iba't ibang bagay, gaya ng puno o alimango. (Date aired: March 24, 2012)

Larong BAHAGketball ng mga taga-Mountain Province

Ang mga kalalakihan ng Tadian, Mountain Province, ipinagmamalaki ang kanilang sariling kultura habang nagpapakitang-gilas sa basketball court. Kaya naman imbis na jersey at rubber shoes, mga bahag ang isinusuot nila habang naglalaro... kaya ang banyagang laro, binansagan nilang BAHAGketball! (Date aired: March 17, 2012)

Kauna-unahang cliff diving event sa Pilipinas

Noong March 3, 2012, ginanap sa Nasugbu, Batangas ang kauna-unahang cliff diving event sa bansa, kung saan 14 na atleta ang nagpatagisan sa pagtalon sa bangin na may taas na 10 meters. (Date aired: March 10, 2012)

Dalagang katutubo, 'di ikinahihiya ang kanyang maitim na balat

Ang 16 anyos na si Marifa, hindi raw ikinahihiya ang kanyang maitim na balat. Sa katunayan, sumali siya't nagwagi sa isang beauty pageant para sa mga katutubo. (Date aired: March 3, 2012)